Home HOME BANNER STORY 40.7M bumisita sa mga sementeryo sa Undas 2026 — PNP

40.7M bumisita sa mga sementeryo sa Undas 2026 — PNP

2
0

MANILA, Philippines – Umabot sa mahigit 40.7 milyong katao ang bumisita sa mga sementeryo, memorial park at columbarium sa buong bansa para sa Undas 2026, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa monitoring ng PNP, nasa 40,740,246 bisita ang naitala sa 5,311 sementeryo at iba pang memorial sites mula Oktubre 30 hanggang alas-6 ng umaga ng Nobyembre 2.

Sa nasabing bilang, 1,695,440 ang naitalang bumisita sa monitoring period nitong Nobyembre 2.

Nanatiling nakadeploy ang mga pulis sa mga sementeryo at iba pang matataong lugar upang tumulong sa crowd management, pagpapanatili ng kaayusan at pagtugon sa mga emergency.

Samantala, umabot sa 6,499 ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska ng mga awtoridad sa buong bansa.

Kabilang dito ang 879 patalim o bladed weapons, 62 alcoholic drinks, 2,817 lighter, 1,739 sigarilyo at vape products, 180 cooking materials at 397 flammable substances.

Pinaalalahanan naman ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang publiko na manatiling mapagmatyag, bantayan ang kanilang mga gamit at mga bata, at sumunod sa mga patakaran sa mga sementeryo. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here