MANILA, Philippines – Ipinagbawal ng Makati City government ang pagpapalipad ng drones at iba pang unmanned aerial vehicles (UAVs) sa buong lungsod sa buong buwan ng Nobyembre bilang bahagi ng seguridad para sa 49th ASEAN Summit.
Ayon sa abiso ng lokal na pamahalaan, sakop ng pagbabawal ang lahat ng barangay at pampublikong lugar sa Makati.
Hindi rin pahihintulutan ang paggamit ng drones para sa recreational, commercial at media-related operations.
Sinabi ng Makati LGU na layunin ng hakbang na mapanatili ang seguridad at maayos na komunikasyon habang isinasagawa sa lungsod ang mga aktibidad kaugnay ng ASEAN 2026.
Bahagi rin ito ng paghahanda para sa seguridad ng mga foreign head of state, dignitary, international delegate at mga residente.
Hinimok ng lokal na pamahalaan ang mga drone owner, hobbyist at residente na sumunod sa ipinatutupad na pagbabawal.
Gaganapin sa Pilipinas ang 49th ASEAN Summit mula Nobyembre 16 hanggang 18. Dave Medina