Home NATIONWIDE 68 Pinoy inasistihan palabas ng Israel

68 Pinoy inasistihan palabas ng Israel

121
0

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 68 Filipino ang inasistihan ng pamahalaan para makalabas sa Israel sa pagtindi ng tensyon sa Middle East, iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes, Marso 16.

Tumaas ang bilang matapos matagumpay na makalabas sa Israel ang siyam na overseas Filipino workers (OFWs) sa pamamagitan ng Taba Border Crossing.

“Nine overseas Filipino workers have safely crossed from Israel to the Taba Border Crossing, with the help of the One Country Team comprising the Philippine Embassy in Cairo, Migrant Workers Office and OWWA,” saad sa pahayag ng DMW.

Kasalukuyan nang inaayos ng embahada, OWWA, at DMW ang flight pabalik sa Pilipinas.

Sa ngayon ay nasa 25 OFW at 43 iba pang Filipino ang nakalabas ng Israel mula nang magsimula ang tensyon sa pagitan ng US at Israel, at Iran.

Ang mga OFW ay nagtatrabaho bilang caregiver o hotel worker, habang ang ibang mga Pinoy sa Israel ay mga turista, pilgrims o estudyante.

Dahil nananatiling sarado ang airspace ng Israel ay isinasagawa ang paglalabas sa mga Pinoy sa nasabing bansa sa pamamagitan ng land transport. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here