Home NATIONWIDE ‘Heat stroke break’ ipinatupad na ng MMDA sa kanilang mga tauhan

‘Heat stroke break’ ipinatupad na ng MMDA sa kanilang mga tauhan

160
0

MANILA, Philippines – SINIMULAN na nitong Lunes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng “Heat Stroke Break Policy” upang maprotektahan ang kalusugan ng kanilang mga traffic enforcer at street sweeper laban sa matinding init ng panahon.

Pinangunahan nina MMDA Chairman Atty. Don Artes at General Manager Nicolas Torre III ang pamamahagi ng galon-galong inuming tubig, insulated na lalagyan at reusable water bottle sa mga tauhan sa Timog Avenue bilang bahagi ng kampanya para sa kaligtasan at pangangalaga sa kalikasan.

Isinagawa ang programa sa tulong ng mga water concessionaire na Maynilad Water Services at Manila Water, na nagbigay suporta upang matiyak na may sapat na inuming tubig ang mga tauhang nakatalaga sa lansangan.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 04, ipatutupad ang 30-minutong heat stroke break tuwing panahon ng tag-init bilang proteksiyon sa mga field personnel na lantad sa matinding sikat ng araw habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Ayon kay Torre, lahat ng satellite offices ng MMDA ay bibigyan ng sapat na suplay ng tubig para sa mga tauhan sa kalsada, at tinatayang mahigit 4,000 traffic enforcers ang makikinabang sa nasabing programa.

Nilinaw naman ni Artes na maaari pang madagdagan ng 15 minuto ang pahinga ng mga traffic aide at street sweeper kapag ang heat index sa Metro Manila ay umabot sa 40 degrees Celsius o higit pa upang maiwasan ang heat stroke at iba pang sakit dulot ng matinding init. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here