Home NATIONWIDE Pagdinig sa kaso ng SEC vs pamilya Villar nagsimula na

Pagdinig sa kaso ng SEC vs pamilya Villar nagsimula na

140
0

MANILA, Philippines – SINIMULAN na ng Department of Justice panel of prosecutors ang pagdinig sa mga reklamong isinampa ng Securities and Exchange Commission laban sa pamilya Villar at iba pang respondents.

Kabilang sa mga ipinatawag ay sina dating Senador Manny Villar, maybahay na si dating Senadora Cynthia Villar, magkapatid na Senador Mark at Camille Villar at iba pa ngunit ang kanilang abogado lamang ang dumalo sa pagdinig.

Pinanumpaan ng mga abogado ng SEC ang kanilang complaint affidavit kaugnay sa mga kasong market manipulasyon, insider trading at hindi tamang disclosure ng kita na nagdulot ng pagtaas ng halaga ng shares ng kumpanya ng pamilya Villar

Humiling naman ng kopya ng complaint affidavits ang kampo ng mga respondents.

Kaugnay nito, humingi ng kopya ng complaint affidavits ng SEC ang kampo ng mga respondent sa kaso.

Pinamunuan ni Senior Deputy State Prosecutor Peter Ong ang Panel of prosecutors kasama sina Angelique Pearl Miranda Janave Salaman-Gozon at Christine Mae N. Villablanca.

Patuloy pa rin ang preliminary investigation ng DOJ sa mga kasong kriminal na kinakaharap ng Pamilya Villar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here