Home NATIONWIDE Unemployment rate noong Enero tumaas – DOLE

Unemployment rate noong Enero tumaas – DOLE

162
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang pagtaas ng unemployment rate sa 5.8 percent noong Enero 2026 ay dahil sa nagtapos na ang pansamantalang trabaho ng mga manggagawa kasabay nang pagtatapos ng holiday season.

Ang ulat ng DOLE ay tugon sa pinakahuling survey ng Philippine Statistics Authority o ang January 2026 Labor Force Survey kung saan tumaas ang unemployment rate.

Sa naturang survey, bumaba ang employment rate sa 47.94 million noong Enero 2026 mula sa 48.49 million noong Enero 2025 habang tumaas ang unemployment mula 2.17 million sa 2.96 million o 4.3 percent na tumaas sa 5.8 percent.

Ayon sa DOLE, ipinapakita ang kabuuang pagbaba sa 1.489 million employment mula December 2025 hanggang January 2026.

Kasama na rito ang pagbaba ng wholesale at retail trade (888,000) at mga service and sales workers (772,000), na short term hiring noong holiday, gayundin ang pagtatapos ng anihan at construction season.

Dagdag pa, tumaas ang bilang ng wage workers sa 32.963 milyon noong Enero 2026 mula sa 30.555 milyon noong Enero 2025.

Ipinagmalaki ng DOLE na nalampasan ng pamahalaan ang target alinsunod sa Philippine Development Plan 2023-2028, at patuloy sa paglikha ng kalidad na trabaho ang gobyerno para sa mga mamamayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here