Home NATIONWIDE P7M substandard computers, nasabat sa Pampanga

P7M substandard computers, nasabat sa Pampanga

213
0

PAMPANGA- Arestado ang dalawang indibidwal at masabat ng mga awtoridad ang mahigit P7 milyon halaga ng mga substandard na computer matapos salakayin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang warehouse sa Angeles City.

Sa bisa ng Search Warrant (SW) na inisyu ng Korte, ikinasa ang operasyon ng mga awtoridad sa warehouse na nag-iimbak umano ng mga computer na hindi tumalima o compliant sa minimum labeling requirements para sa consumer products na itinakda ng batas.

Nasamsam sa raid ang nasa 239 units ng mga assorted Laptop Computers; 163 Computer Processing Units (CPU); 141 desktop monitors at dalawang (2) computer set na gamit bilang business service units sa kanilang operasyon.

Nadiskubre din na ang mga label na nakalagay sa mga nakumpiskang computer ay hindi umano rehistrado sa Department of Trade and Industry (DTI) kung saan maituturing umano ang mga items ay substandard and illegal for trade sa ilalim ng consumer protection standards.

Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang indibidiwal na umano’y mga emplayedo na inabutan sa operasyon, kung saan tinutugis at inaalam pa kung sino qng may-ari ng establisimiyento habang patuloy ang imbestigasyon.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act No.7394 o mas kilala sa Consumer Act of the Philippines. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here