MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang umano’y getaway tricycle driver na iniuugnay sa pagpatay sa dalawang indibidwal na natagpuang sunog na ang katawan sa loob ng sasakyan sa Peñaranda, Nueva Ecija.
Sa press briefing, sinabi ni Nueva Ecija Police Provincial Office chief Police Colonel Ritchie Claravall na ang suspek ay naaresto sa harap ng mall sa Sta. Rosa noong Marso 12.
Ang motorsiklo na may sidecar na umano’y ginamit bilang getaway vehicle sa insidente ay nakuha rin mula sa suspek.
Sa kabila nito, pinaghahanap pa rin ang umano’y gunman.
Bago nito ay naaresto na ng pulisya ang apat na suspek kabilang ang mastermind noong Marso 11. RNT/JGC