Home ENTERTAINMENT Karla, may paandar sa mga fans ni Lella!

Karla, may paandar sa mga fans ni Lella!

142
0

Manila, Philippines – As a gesture of gratitude, tinipon ni Karla Estrada ang mga sumuporta sa anak na si Lella Ford–dahilan para magwagi ito sa PBB Celebrity Collab 2.0.

May paandar na thanksgiving party ang celebrity mom that warmly welcomed her daughter’s fans.

Abut-abot nga ang pasasalamat ni Lella–bagay which was caught on video.

Makikitang pinapayuhan pa ni Lella ang kanyang mga tagasuporta who even showered her with gifts.

Touched ang PBB winner sa kanyang mga natanggap tulad ng sandamakmak na flowers at mga regalo.

Ani Lella sa mga ito, while she’s appreciative of the fans’ gesture ay sinabihan niya ang mga ito na hindi nila kailangang gumastos.

Batid ni Lella na may mga sarili ding pangangailangan ang mga fans.

Imagine, may faney na nagbigay pa sa kanya ng all-expense paid trip to Palawan dahil pangarap nitong makarating doon.

Eh, as if naman walang means ang dalaga to get there pero siya pa ang inisponsoran.

Gayunpaman, very evident ang kababaan ng loob ni Lella–na itinuro sa kanya ni Karla.

If so, bakit bina-bash si Lella sa halip na purihin sa magandang pag-uugali nito?

No wonder, sumabog na sa galit ang Waray niyang madir! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here