Home NATIONWIDE Inflation, corruption ‘most urgent national concerns’ ng publiko – Pulse Asia

Inflation, corruption ‘most urgent national concerns’ ng publiko – Pulse Asia

201
0

MANILA, Philippines – Ang inflation at korapsyon ang lumitaw bilang “most pressing national concerns” para sa mga Filipino, ayon sa Pulse Asia survey.

Karamihan kasi sa kanila ay kritikal sa pagsisikap ng gobyerno sa dalawang usapin na ito.

Lumabas sa Pulse Asia survey na may 1,200 adults na respondents mula sa huling bahagi ng Pebrero at unang bahagi ng Marso, may 59% ang nagpahayag na ang national government ay dapat na agarang pag-usapan ang inflation.

Ang Inflation ay sinundan ng graft and corruption sa gobyerno at bayad sa mga manggagawa bilang susunod na “most urgent concerns” na may 47% at 36% , ayon sa pagkakabanggit.

Sa fourth place ay ang ‘group of urgent national concerns’ kung saan kabilang dito ang bawasan ang kahirapan(21%), paglikha ng mas maraming hanapbuhay (21%), paglaban sa pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga (21%), at paglaban sa kriminalidad (17%).

Pagtulong sa mga magsasaka (14%), pagpapatupad ng rule of law (11%), pagtugon sa problema ng involuntary hunger (10%), pagprotekta sa kapaligiran (9%), at pagpo-promote ng kapayapaan (9%) ang susunod na “most pressing concerns.”

“The national administration scores its only majority approval rating for its work in protecting the welfare of overseas Filipino workers (53%),” ang sinabi ng Pulse Asia.

“Small to big majorities are critical of its efforts to reduce poverty (53%), fight corruption in government (67%), deal with the problem of illegal drugs (68%), and control inflation (73%),” ang pahayag pa rin ng Pulse Asia.

Ang Pebrero 27 hanggang Marso 2 survey ay isinagawa habang kasagsagan ng infrastructure corruption scandal na humahabol sa administrasyon habang sumirit ang presyo ng fuel dahil sa US-Israel war laban sa Iran. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here