Home NATIONWIDE Neutralization nina Malick Diouf, Elizabeth Means inaprubahan ng Senado

Neutralization nina Malick Diouf, Elizabeth Means inaprubahan ng Senado

144
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Senado ang neutralization nina Malick Diouf at Elizabeth Means sa pamamagitan ng magkahiwalay na panukala.

Ipinasa kasi ng Senado ang House Bill Nos. 6640 at 6641, na naglalayong mabigyan ng Filipino citizenship ang dalawang prospects ng Gilas Pilipinas.

Si Diouf ay target na isali sa 3×3 pool ng Gilas Pilipinas habang si Means ay inaasahang lalahok sa women’s 3×3 squad ng bansa.

Inisponsoran ni Senador Kiko Pangilinan ang hakbang na ngayon ay ipapasa na sa Office of the President para sa final approval ng Pangulo at pagpirma bilang isang batas.

Bukod kay Diouf at Means, layon ding isailalim sa naturalization sina Bennie Boatwright at wrestler na si Matthew James Ramos. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here