Home NATIONWIDE PAOCC, CICC sanib-pwersa sa pagsugpo sa transnational cyber crimes

PAOCC, CICC sanib-pwersa sa pagsugpo sa transnational cyber crimes

140
0

MANILA, Philippines – Isinapormal na ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang kanilang kasunduan para sugpuin ang transnational cybercrime.

Sa briefing nitong Lunes, Marso 16 matapos pirmahan ang kasunduan sa Camp Crame, sinabi ni CICC Executive Director Aboy Paraiso na nagbibigay-daan ang kasunduan para sa kanyang ahensya at PAOCC na magsagawa ng case build-up at law enforcement.

Nangangahulugan ito na ang dalawang ahensya ay kapwa magsasagawa ng technical at digital forensic examination para sa mga kaso.

“Dito pumapasok ang jurisdictional challenge. Dahil sa mga hamon na ito, napapabayaan ang ating mga kakayahan para labanan ang illegal organized crimes,” paliwanag ni Paraiso.

“Pati yung transnational units ng gobyerno kasama na natin. Karamihan sila (operators), nakalagay sa ibang bansa. Hahabulin natin sila,” dagdag pa.

Sa briefing, sinabi nina Paraiso at PAOCC Executive Director Benjamin Acorda Jr. na target ng kasunduan ang illegal online gambling sites at kwestyonableng mga gawain ng online lending applications.

“Lalong kailangan magtulong at protektahan ang interes ng ating mga kababayan, lalo yung mga maliliit at ano yung inaasahang sahod ay yung lang yung pangkain at pang-aral na sana hindi mapupunta sa paglilinlang o panloloko,” sinabi ni Acorda.

Partikular na tinukoy ng CICC chief na sa kasunduan ay mas madali silang magkakaroon ng koordinasyon sa Bangko Sentral ng Pilipinas para pigilan o irekober ang mga perang nawala dahil sa scam. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here