Home TOP STORIES Cervical cancer awareness drive, libreng HPV vaccine sa Senado pinangunahan ni Villar

Cervical cancer awareness drive, libreng HPV vaccine sa Senado pinangunahan ni Villar

242
0

MANILA, Philippines — Inilunsad sa Senado ang isang kampanya para sa cervical cancer awareness sa pangunguna ni Camille Villar, kasabay ng pagbibigay ng libreng HPV vaccine sa mga babaeng empleyado ng Senado bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Villar na layunin ng programa na mapangalagaan ang kalusugan ng kababaihan, lalo na ng mga empleyado ng Senado, laban sa cervical cancer.

Nagpasalamat din ang senadora sa mga katuwang na institusyon at indibidwal na tumulong sa paglulunsad ng programa, kabilang ang mga kawani ng Senado, ang Las Piñas District Hospital, at ang Senate Medical team.

Umaasa si Villar na maisasagawa taun-taon ang libreng HPV vaccination upang mas mapalakas ang proteksyon sa kalusugan ng kababaihan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here