Home NATIONWIDE Desisyon ng Ombudsman na guilty sa misconduct si ex-Cebu governor Garcia binaliktad...

Desisyon ng Ombudsman na guilty sa misconduct si ex-Cebu governor Garcia binaliktad ng CA

160
0

MANILA, Philippines — Pinawalang-sala ng Court of Appeals (CA) si dating Cebu Governor Gwendolyn “Gwen” Garcia matapos baligtarin ang naunang desisyon ng Office of the Ombudsman na nagkasala umano siya ng misconduct.

Nauna nang pinatawan ng Ombudsman si Garcia ng multang katumbas ng anim na buwang sahod o P1.2 milyon kaugnay sa pag-apruba niya ng permit para sa desilting ng Mananga River noong Mayo 2024, kasagsagan ng matinding water shortage sa Cebu dahil sa El Niño.

Gayunman, sa desisyon ng CA na isinulat ni Associate Justice Raymond Lauigan, kinilala ng korte na ginagamit lamang ni Garcia ang kanyang emergency powers sa panahong iyon.

“The petitioner is vested with the power to carry out emergency measures during, and in the aftermath of man-made and natural disasters,” ayon sa desisyon ng korte.

Dagdag pa ng CA, walang ebidensya ng korapsyon o masamang intensyon sa pag-isyu ng permit.

“Unfortunately for respondent, there is no shred of evidence to prove that the issuance of the Special Permit was wrongful, improper, or unlawful,” ani Lauigan.

Pinagtibay rin ng korte ang validity ng special permit na ibinigay kaugnay ng proyekto.

Dahil dito, iniutos ng Court of Appeals ang pag-abswelto kay Garcia sa mga paratang.

“We won on this case, fair and square,” pahayag naman ng abogado ni Garcia na si Atty. Ben Cabrido. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here