Home NATIONWIDE Pagsusulong ng manual counting sa 2028 polls pinabulaanan ng Comelec

Pagsusulong ng manual counting sa 2028 polls pinabulaanan ng Comelec

136
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kumakalat sa social media tungkol sa pagsusulong ng manual counting sa 2028 elections.

Ayon sa Comelec, na ang impormasyong nakasaad sa Facebook posts ay walang katotohanan at hindi sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia at hindi galing sa Comelec.

Sa Facebook posts nina Makhina Moto Vlog at Meljam DL, sinasabing nagpahayag umano si Garcia na isulong ang manual counting para sa National and Local Elections sa taong 2028.

Ito umano ay upang maiwasan ang pandaraya sa halalan.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng Comelec na tumatalima ito sa mga umiiral na batas panghalalan at patuloy na ipapatupad ito sa mga susunod at darating na halalan.

Hinikayat ng Comelec ang publiko na maging mapanuri at tiyaking beripikado ang mga impormasyong nababasa at ibinabahagi online.

Nagpaalala rin ang Komisyon na ang pagpapakalat ng ‘false, alarming information’ ay itinuturing na Election offense sa ilalim ng Section 261(z) (11) ng Omnibus Election Code. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here