Home NATIONWIDE Rollout ng fuel subsidy sa transport operators, drivers sisimulan sa ikaapat na...

Rollout ng fuel subsidy sa transport operators, drivers sisimulan sa ikaapat na linggo ng Marso

174
0

MANILA, Philippines – Upang maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng gasolina, inaasahang sisimulan na rin ang pamamahagi ng fuel subsidies para sa mga operator at driver ng pampublikong transportasyon sa ikaapat na linggo ng Marso.

Sinabi ni DOTr Secretary Giovanni Lopez na ipapatupad ang programa kapag natanggap na ng ahensya ang kinakailangang funding clearance.

Naunang sinabi ng DOTr na nakalaan ang P2.5 bilyon para sa posibleng fuel subsidy program para sa mga transport worker.

Ang subsidy fund ay ilalabas kung ang global oil prices ay umabot ng hindi bababa sa $80 kada bariles sa loob ng isang buwan, na kailangang sertipikahin ng Department of Energy (DOE).

Ayon kay Lopez, sasaklawin ng fuel subsidy ang mga transport worker na nasa regulasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilalim ng DOTr, kabilang ang:

– Mga operator at driver ng bus
– Mga tradisyunal at modernong jeepney operator at driver
– Mga driver ng taxi
– Mga driver ng Transport Network Vehicle Service (TNVS)
– Mga delivery rider mula sa iba’t ibang platform
– Mga tricycle driver (ang listahan ng benepisyaryo ay magmumula sa mga lokal na pamahalaan)

Bukod sa subsidies para sa mga driver at operator, plano rin ng DOTr na mag-alok ng ‘Libreng Sakay’ program upang matulungan ang mga commuter sa tumataas na gastos sa transportasyon.

Sa ilalim ng programang ito, babayaran ng gobyerno ang mga operator at driver sa pamamagitan ng service contracting. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here