Home NATIONWIDE Mga kaso sa flood control projects, hinati sa limang batch – DOJ

Mga kaso sa flood control projects, hinati sa limang batch – DOJ

128
0

MANILA, Philippines – Hinati sa limang batch ang mga kasong may kinalaman sa umanoy anomalya sa flood control projects sa Bulacan ay sa Department of Justice (DOJ).

Sa ambush interview kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, sinabi na ito ay upang mas maayos na masuri ang mga ebidensya at matukoy ang pananagutan ng bawat respondent.

May ilan lamang umanong kasong naisampa sa Sandiganbayan, habang ang iba naman ay naisampa sa Regional Trial Court.

Patuloy naman ang pagsusuri sa iba pang reklamo upang matukoy kung may sapat na basehan para sa pagsasampa ng karagdagang kaso sa korte.

Samantala, sinabi ni Martinez na ag kasong plunder laban kina Ramon Bong Revilla Jr at Senator Jinggoy Estrada at Zaldy Co ay hindi nakabatay sa iisang proyekto lamang kundi sa pinagsamang serye ng mga proyekto.

Giit ni Martinez sa ilalim ng batas kinakailangan ang umanoy ill-gotten weather ay umabot sa hindi bababa sa P50 milyon upang masaklaw ng kasong plunder. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here