MANILA, Philippines – Naipasa na sa Office of the Ombudsman ang mga reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kina Senator Joel Villanueva at Sally Santos kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Kinumpirma ito no DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez kung saan ang Ombudsman ang magsasagawa ng sariling pagsusuri upang matukoy kung may sapat na ebidensya para ihain ang kaso sa korte.
Ayon kay Martinez, ang mga reklamo ay may kinalaman sa mga proyekto na isinagawa ng Wawa Construction at Topnotch Construction.
Ipinaliwanag ng DOJ na dahil sangkot ang mga opisyal na may Salary Grade 27 pataas, nasa hurisdiksyon ng Ombudsman ang imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden