Home NATIONWIDE 45M tao masasadlak sa matinding kagutuman sa Iran war — WFP

45M tao masasadlak sa matinding kagutuman sa Iran war — WFP

149
0

GENEVA — Maaaring madagdagan ng 45 milyong katao ang makakaranas ng matinding gutom pagsapit ng Hunyo kung magpapatuloy ang digmaan na kinasasangkutan ng Iran, ayon sa babala ng World Food Programme (WFP) nitong Martes.

Ayon kay WFP Deputy Executive Director Carl Skau, naapektuhan ang mahahalagang ruta ng humanitarian aid dahil sa mga pag-atake ng U.S. at Israel sa Iran mula noong huling bahagi ng Pebrero, na nagdulot ng pagkaantala sa paghahatid ng tulong sa mga lugar na lubhang nangangailangan.

Ang pagtaas ng presyo ng pagkain, langis, at shipping ay inaasahang magtutulak sa bilang ng mga nakararanas ng acute hunger na lampasan ang kasalukuyang record na 319 milyon sa buong mundo.

“This would take global hunger levels to an all-time record and it’s a terrible, terrible prospect,” ani Skau.

“Already, before this war, we were in a perfect storm where hunger has never been as severe as now, in terms of numbers and how deep that hunger is,” dagdag niya.

Iniulat din ng WFP na tumaas ng 18 porsyento ang shipping costs mula nang lumala ang tensyon, kung saan ang ilang delivery ay kailangang i-reroute. Dagdag pa rito ang kakulangan sa pondo, habang mas inuuna ng ilang donor countries ang gastusin para sa depensa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here