Home HOME BANNER STORY ‘Aircon weather’ sa Amihan, matutuldukan na sa katapusan ng Marso — PAGASA

‘Aircon weather’ sa Amihan, matutuldukan na sa katapusan ng Marso — PAGASA

174
0

MANILA, Philippines — Inaasahang magtatagal pa hanggang sa huling linggo ng Marso ang malamig na panahon na dulot ng Northeast Monsoon o Amihan bago tuluyang lumipat sa mainit at maalinsangang dry season, ayon sa PAGASA.

Ayon kay Assistant Weather Services Chief Chris Perez, normal lamang ang nararanasang lamig sa panahong ito, at karaniwang nagtatapos ang Amihan sa pagitan ng Pebrero at Marso.

“Posible naman na magtapos ito bago po matapos ang buwan ng Marso. So likely, it’s either the last week of March ay mag-declare na po tayo ng end of the Amihan season sa ating bansa,” ani Perez.

“Normally naman kung titingnan po natin yung mga historical data natin, ang Amihan po natin is either month of February or month of March na-te-terminate… So likely, baka sa last week ng March magsimula yung gradual dry season. Yung talagang patungo na tayo sa mainit at maalinsangan na panahon,” dagdag niya.

Sa kabila ng nalalapit na pagtatapos nito, patuloy pa ring nararamdaman ang malamig na temperatura sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kung saan umabot sa 12.4°C ang temperatura sa Baguio City at 9.8°C sa La Trinidad, Benguet. Naitala rin ang mababang temperatura sa Basco (15.6°C), Malaybalay at Tanay (17.0°C), at Quezon City (20.7°C).

Dahil sa malamig na panahon, dinadayo ng mga turista ang mga lugar tulad ng Tagaytay, habang sinasamantala rin ng ilan sa Cavite at Laguna ang preskong klima para sa outdoor activities. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here