Home METRO Tagbilaran police chief, 4 pa sinibak sa viral kidnapping video

Tagbilaran police chief, 4 pa sinibak sa viral kidnapping video

200
0

MANILA, Philippines — Pansamantalang inalis sa puwesto ang hepe ng pulisya ng Tagbilaran City at apat pang pulis habang iniimbestigahan ang umano’y pagdukot sa isang lalaki na makikita sa kumakalat na viral video.

Sa video, makikita ang apat na lalaki na pinipilit ipasok sa isang sasakyan ang isang lalaking may takip ang ulo malapit sa isang bus terminal sa gitna ng araw, habang hindi nakialam ang mga nakasaksi.

Sinusuri ng mga awtoridad ang mga CCTV footage mula sa mga establisyimento sa paligid at nakikipag-ugnayan sa Land Transportation Office upang matukoy ang plaka ng sasakyang ginamit.

Nag-alok din ang pamahalaang lungsod ng Tagbilaran ng P50,000 pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magreresulta sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng mga suspek.

Nilinaw naman ni Tagbilaran Mayor Jane Yap na wala pang naitatalang blotter o missing person report kaugnay ng insidente, kaya’t nag-ingat siya sa paggamit ng terminong kidnapping.

“Until now, there was no blotter report or missing person report related to that incident. That’s why when I posted it, I did not say it’s kidnapping because nobody reported somebody got kidnapped. It is also irresponsible for me to say it, especially since I’m the mayor of Tagbilaran. What I said in my public post is that the video is now being investigated by the regional PNP,” aniya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here