Home NATIONWIDE 7 menor na nagbalak ng pag-atake sa paaralan, balik-iskul na

7 menor na nagbalak ng pag-atake sa paaralan, balik-iskul na

152
0

MANILA, Philippines – Bumalik na sa paaralan sa Laguna ang pitong menor de edad na naisalba mula sa umano’y planong karahasan, ngunit patuloy silang mino-monitor ng mga social worker, ayon sa mga awtoridad.

Napag-alaman na nasa pangangalaga ng social workers ang mga 15-anyos na menor de edad mula pa noong Pebrero matapos matukoy ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang kanilang plano sa online.

Ayon sa pulisya, may balak ang grupo na magsagawa ng marahas na aksyon ngunit kulang sila sa mga armas upang maisakatuparan ito. Nakumpiska rin ang ilang gamit tulad ng mga t-shirt na may nakasulat na “No Live Matter” at “Natural Selection.”

Sinabi ni PNP-ACG acting director Police Brigadier General Wilson Asueta na posibleng naisakatuparan ang plano kung hindi agad nakaagapay ang mga awtoridad.

Lumabas sa imbestigasyon na madalas maglaro ng online games ang mga menor de edad nang may isang hindi kilalang indibidwal ang umano’y nagpakilala sa kanila ng mararahas na content, kabilang ang mga kilalang mass murderer at iba pang malulubhang krimen.

Ayon kay Asueta, maaaring maimpluwensyahan ang mga kabataan kung palagi silang nakalalantad sa ganitong uri ng content.

Kasalukuyang sumasailalim ang mga menor de edad sa counselling at psychosocial support upang maiwasan ang radicalization, habang pinaalalahanan ng PNP-ACG ang mga magulang at tagapag-alaga na bantayang mabuti ang online activities ng kanilang mga anak upang maiwasan ang masamang impluwensya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here