Home ENTERTAINMENT James Blanco, may hanash sa mga anak!

James Blanco, may hanash sa mga anak!

183
0

Manila, Philippines – Kinasanayan na ni James Blanco na mamuhay nang nag-iisa—apart from his kids.

Ito ang ipinagtapat ng aktor sa panayam ni Ogie Diaz.

Is James simply waiting for any of his children to reach out to him?

Sagot ni James, bilang magulang daw ay napakasimple lang naman niyon—it takes a little effort on the child and that’s it.

For one, kabisado na raw ng kanyang mga anak ang ugali niya.

Hindi raw siya ‘yung tipo ng magulang who’s hard to please: “Ang ayoko lang, ‘yung taong matigas ang puso!”

Bakit hindi na lang siya mismo ang mag-reach out?

Dito na na-reveal that he begrudges his kids.

Ani James, ilang beses na raw niyang ginawa iyon: “Kung importante ako sa kanila, hindi ko na kailangang ipagsiksikan ang sarili ko. Hindi mo kailangang i-fit in ang sarili mo sa isang bagay na hindi mo alam kung nasaan ka.”

Ilang panahon na ring hiwalay si James sa nanay ng mga anak niya.

Maitatanong lang—may naiisip ba si James na pagkukulang din niya bilang ama? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here