Manila, Philippines – Love is supposed to be genderless.
Ganito ang marubdob na paniniwala ni Angel Aquino.
Herself in a relationship sa kapwa rin sugo ni Eba, ang sa aktres ay open-secret ang tipo with the ex-flame of Ai Ai de las Alas.
Hindi na nga nakakagulat ang pakikipagrelasyon ngayon ni Angel kay Malou Sevilla.
Si Malou ay co-director ni Coco Martin sa Batang Quiapo.
Bago ang BQ, marami-rami na ring materyal ang pinamahalaan ni Direk Malou sa ABS-CBN.
Naging sila ni Ai Ai noong panahon ng Tanging Ina ng Comedy Queen—way, way before Gerald Sibayan na kanyang pinakasalan and the guy who came before Gerald.
Disente, soft-spoken at malalim si Direk Malou para sa mga taong kahit kakameet lang niya.
Masasabi naming sina Angel at Direk Malou ay parang “two peas in a pod”—bagay na bagay.
Take it from Angel who believes that love knows no gender.
Aniya, after all, it’s love between two people that matters.
Sa usapin ng pag-ibig, walang karapatan ang sinuman na kontrahin ito.