Manila, Philippines – Kumalat kamakailan ang video kung saan naispatan si Enrique Gil na pumunta sa isang spa kasama ang rumored dyowa na katukayo ng kanyang leading lady sa isang upcoming teleserye.
Sa isang portal, may isang katekatera ring nag-ispluk na diumano’y naispatan niya si Quen ng ilang beses kasama ang nasabing girl.
Ispluk niya: “Nakikita ko si Enrique Gil na palaging kasama ang nali-link sa kanya sa BF Homes. Ilang gabi ko na rin silang nakikita at mukhang doon na nakatira ang gf niya. Palaging naka-pink pajama si girl. Si Enrique naman, laging naka-black cap at shirt.”
Sa umpukan naman ng mga tsismosang kapitbahay, ito ang ilang reaksyon ng kibitzers sa nasabing tsika.
“Hello, 33 years old na si Quen. Kung bet niyang makipag-live-in, buhay niya iyon.”
“Si James nga na contemporary ni Enrique, live-in na kay Issa. Big deal ba ito kay Quen, eh nasa edad na siya.”
“Matagal na silang hiwalay ni Liza. He deserves to be happy, too.”
“Glad na naka-move on na siya.”
“Minor ba si girl? ‘Di ba isyu iyon?”
“Wala namang problema dahil boto naman ang mudra ni girl kay Quen.”
“Iba na rin ang panahon ngayon. Live-in muna bago kasal.”