Home NATIONWIDE 180,000 parak ikakalat sa March 19 transport strike

180,000 parak ikakalat sa March 19 transport strike

147
0

MANILA, Philippines – Magde-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng humigit-kumulang 180,000 tauhan sa buong bansa upang tiyakin ang kaayusan sa gitna ng transport strike na nakatakda sa Marso 19.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño, bahagi ito ng kabuuang lakas ng PNP na higit 230,000, kung saan 85% ang nakatalaga sa police visibility sa mga lansangan.

“We have the strength of 230,000 plus and 85% of which, ito po ay dedicated po sa mga police visibility natin o ito po yung mga nasa kalsada natin,” ani Tuaño sa Kapihan sa Manila Hotel forum.

Bukod sa seguridad, maglalaan din ang PNP ng libreng sakay gamit ang kanilang mobility assets para sa mga commuter na posibleng ma-stranded.

“Hindi lang ito about police visibility, kundi yung tunay na pagtulong ng PNP sa mga kababayan natin na na possible na ma-stranded sa pamamagitan ng pag-deploy ng mobility assets po ng PNP para po sa tinatawag natin na libreng sakay,” dagdag niya.

Ang nationwide strike ay inilunsad ng transport group na PISTON bilang protesta sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

“Ngayong darating po na March 19 ay idedeklara po natin at ilulunsad po natin, hindi lamang po sa National Capital Region kundi sa buong bansa,” ani PISTON national president Mody Floranda.

“Ang isang protesta at welga na pangungunahan ng driver, operator, at mamamayan laban sa pagkainutil ng administrasyon ni Bongbong Marcos, laban sa US aggression na kung saan ay nagdudulot ng pahirap sa mamamayang Pilipino,” dagdag niya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here