Home HOME BANNER STORY Tuluyang paglusaw sa Oil Deregulation Law, pinasasabatas ni Sotto

Tuluyang paglusaw sa Oil Deregulation Law, pinasasabatas ni Sotto

168
0

MANILA, Philippines – Naghain si Senate President Vicente Sotto III ng panukalang batas na naglalayong tuluyang ipawalang-bisa ang Oil Deregulation Law upang maibalik sa pamahalaan ang kapangyarihang magtakda at mag-regulate ng presyo ng langis.

Inihain ni Sotto ang Senate Bill No. 1984 sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East, at iginiit ang pangangailangan ng mas mahigpit na kontrol ng estado sa presyo ng petrolyo.

“It is high time to give back to the state the authority to manage fuel prices. Now that our petroleum prices are directly impacted by the geopolitical tension in the Middle East, transparency, scrutiny and uniformity in pricing are needed more than ever,” ani Sotto sa explanatory note ng panukala.

Sa ilalim ng Republic Act 8479 o Oil Deregulation Law, inalis ang kontrol ng gobyerno sa presyo ng langis upang palakasin ang kompetisyon sa industriya. Gayunman, binanggit ni Sotto na bago ito ipatupad, ang Energy Regulatory Board ang nagtatakda ng presyo batay sa pandaigdigang halaga ng langis at palitan ng pera, habang sinasalo ng Oil Price Stabilization Fund ang pagtaas at pagbaba ng presyo upang maiwasan ang biglaang pagbabago sa pump price.

Dumating ang panukala habang kumikilos ang Kongreso upang tugunan ang pagtaas ng presyo ng langis.

Inaprubahan na ng Senado ang panukalang magbibigay ng emergency powers kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang masuspinde o mabawasan ang excise tax sa langis kapag lumampas sa $80 kada bariles ang presyo ng Dubai crude oil sa loob ng isang buwan. Naaprubahan na rin ng Kamara ang katumbas nitong panukala sa ikatlo at huling pagbasa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here