MANILA, Philippines – Maaaring ipawalang-bisa ng Senado ang ethics complaint laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sanhi ng matagal na pagliban sa Senado nang walang matibay na dahilan kung hindi babaguhin ang Senate rules, ayon kay Senador JV Ejercito.
Sa press conference, sinabi ni Ejercito, chairman ng Ethics Committee, na kung hindi maamendahan ang Senate rules, maaaring ma-dismiss ang kasong isinampa laban kay Dela Rosa dahil walang probisyon hinggil sa “no work, no pay.”
The ethics complaint filed against Senator Ronald “Bato” Dela Rosa over his continued absence in the Senate may be dismissed if heard without the rules of the Senate getting amended, panel chairman Senator JV Ejercito said Wednesday.
“Outright, kung itutuloy namin ‘yan, the case will be dismissed. Wala kasi sa rules namin eh, ‘di ba? So it will be dismissed kasi you cannot find it anywhere in our rules sa ethics or sa rules of the Senate,” ani Ejercito sa reporters.
Nakatakdang simulan ang pagdinig sa reklamo ngayong Marso 18, pero mukhang hindi matutuloy sa kawalan ng sapat na Senate rules hinggil sa reklamo.
“We just have to amend the rules first and then probably they can refile, just in case,” aniya.
Inihain ang ethics complaint laban kay Dela Rosa noong Pebrero 25, 2026 ng civil society group na Wag Kang KuCorrupt.
Sa reklamo, sinabi ng grupo na sanhi ng patuloy na pagliban at kabiguan na tuparin ang kanyang tungkulin sa Senado, nagkakaroon ng dereliction of duty at pang-aabuso sa pribilehiyong ibinigay ng mamamayan kay Dela Rosa.
Hiniling ng grupo sa ethics committee na magsagawa ng pormal na imbestigasyon sa bagay na ito, tukuyin kung may paglabag sa Senate rules at ethical standards, at patawan ng kaukulang parusa kung kinakailangan.
Pero, ayon kay Ejercito, kailangan isulong ng kapwa senador ang amendments sa rules bago i-dismiss ang reklamo.
“If any member would propose that the rules be amended or propose the inclusion of such provision—’yung (the) no work, no pay—then we can make the necessary amendment,” aniya.
“Kung gusto mag-prosper, kailangan i-amend ang rules to include ‘yung no work, no pay,” giit niya.
Sinabi pa ni Ejercito na pang-anim sa linya ang reklamo laban kay Dela Rosa sa mga nakahaing reklamo at ipatutupad ang first-in, first-out policy.
Lumiban si Dela Rosa noong Nobyembre nang nakaraang taon matapos ipalutang ni dating Justice Secretary, ngayo’y Ombudsman Crispin Remulla, na may warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) hinggil sa kasong crimes against humanity dulot ng war on drugs ng Duterte administration. Ernie Reyes