ALBAY, Philippines – Patuloy ang pagbuga ng lava ng Mayon Volcano matapos maobserbahan ng PHIVOLCS ang lava effusion at pagguho nito sa Mi-isi gully noong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa PHIVOLCS, umabot na sa ika-73 araw ang effusive eruption ng bulkan, na nagdudulot ng lava flows, pyroclastic density currents o “uson,” at rockfalls.
Nakapagtala rin ng ashfall sa ilang komunidad sa southwestern slopes ng bulkan mula sa ash clouds na dulot ng mga pagguho.
Nauna ring naobserbahan ang mga mahihinang PDC sa Bonga-Mabinit gully.
Nanatili sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano, kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone. RNT/MND