DOHA, Qatar – Iniulat ng Qatar na naharang nito ang apat sa limang ballistic missiles na pinakawalan ng Iran noong Miyerkules, habang ang isa ay tumama sa Ras Laffan Industrial City at nagdulot ng “extensive damage.”
Ang Ras Laffan ay sentro ng LNG processing ng QatarEnergy.
Bago ang insidente, inilikas na ang mga pasilidad sa lugar matapos magbanta ang Iran na aatake sa mga energy facilities sa Gulf.
Naglabas din ang Iran ng babala sa mga pasilidad ng enerhiya sa Saudi Arabia, UAE, at Qatar, na maaaring targetin ng mga pag-atake “in the coming hours.”
Bilang tugon, idineklara ng Qatar na “persona non grata” ang military attache ng Iran sa kanilang embahada at pinapaalis ito sa loob ng 24 oras.
Ayon sa Doha, ito ay dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng Iran, kabilang ang pinakahuli sa Ras Laffan. RNT/MND