Home NATIONWIDE Tricycle drivers na ‘di naisama sa ayuda list, pinasusumite ng DSWD

Tricycle drivers na ‘di naisama sa ayuda list, pinasusumite ng DSWD

198
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lider ng TODA na isumite ang pangalan ng mga tricycle driver na hindi nakasama sa master list ng benepisyaryo ng ₱5,000 cash assistance.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi dapat mag-alala ang mga hindi pa nakatanggap.

“Meron pa tayo bukas. So ang sabi namin sa kanila, una, hindi kailangan mangamba, hindi kailangan mag-worry na hindi kayo makakatanggap,” aniya.

Sinabi ng DSWD na uunahin muna ang iba pang sektor ng transportasyon tulad ng MC taxi, TNVS, jeep, at delivery services, pati na rin ang mga nasa labas ng Metro Manila, bago isaalang-alang ang panibagong ayuda. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here