MAGUINDANAO DEL SUR, Philippines – Patay ang town councilor na si Samon Kitalok, residente ng Barangay Poblacion, Paglat, Maguindanao del Sur, matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki sa harap ng kanyang bahay Miyerkules ng umaga.
Ayon kay Capt. Nelson Pedrico, hepe ng Paglat police, dumating ang dalawang lalaki sakay ng motorsiklo at nakipagusap kay Kitalok bago isa sa kanila ang pagbabarilin ito sa malapitan. Agad na namatay si Kitalok sa lugar.
Nakita ng pulisya ang anim na basyo ng bala mula sa hindi pa nakikilalang baril.
Umaksyon na si Colonel Salman Sapal, direktor ng pulisya sa Maguindanao del Sur, at iniutos ang manhunt para hulihin ang mga suspek. RNT/MND