MANILA, Philippines – Hinaras ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) maritime militia ang mga mangingisdang Pilipino malapit sa Bajo de Masinloc isang tradisyunal na fishing ground sa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Sa isang maritime patrol flight na monitor ang sampung barko ng Tsino sa lugar kabilang ang mga warship at maritime militia vessels.
Ang PCG ay patuloy na magpapadala ng resources upang protektahan ang mga mangingisda at igiit ang maritime rights ng Pilipinas.
Kabilang sa mga sangkot ay mga barko ng CCG na may bow number 21605,3107 at 3103 at isang barko ng Chinese maritime militia.
Ayon kay Rear Adm. Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea lumala ang sitwasyon nang lumapit ang mga bangka ng mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc sa layong 7.8 nautical miles.
Bagamat di gumamit ng water cannons, inilarawan ni Tarriela ang engkwentro bilang mapanganib.
Bilang tugon, nag-deploy ang Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng mga barko upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mangingisda. Jocelyn Tabangcura-Domenden