Home NATIONWIDE Manila VM Chi Atienza, itinalagang VP for Women ng Aksyon Demokratiko

Manila VM Chi Atienza, itinalagang VP for Women ng Aksyon Demokratiko

159
0

MANILA, Philippines — Opisyal nang itinalaga si Manila Vice Mayor Chi Atienza bilang Vice President for Women ng Aksyon Demokratiko noong Marso 18, ayon sa anunsyo ng partido na pinamumunuan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng National Women’s Month, kung saan kinilala ng partido ang patuloy na dedikasyon ni Atienza sa serbisyo publiko at ang kanyang papel bilang tagapagtaguyod ng karapatan ng kababaihan.

Sa isang pahayag, nagpasalamat si Atienza sa tiwalang ibinigay sa kanya ng liderato ng partido. Aniya, patuloy niyang gagamitin ang kanyang boses upang ipaglaban ang kapakanan at karapatan ng kababaihan.

Bilang presiding officer ng Manila City Council, kilala si Atienza sa pagsusulong ng mga lokal na polisiya na naglalayong protektahan at itaguyod ang kapakanan ng kababaihan, kabataan, at mga solo parent.

Samantala, binigyang-diin din ang estilo ng pamamahala nina Atienza at Moreno na nakatuon sa grassroots approach, kung saan direktang dinadala ang mga serbisyo sa komunidad upang mas mapakinggan ang hinaing ng mga mamamayan at agad itong matugunan.

Kabilang sa mga prayoridad ng kanilang pamahalaan ang pagpapalawak ng access sa serbisyong pangkalusugan, pabahay, at mga programang pangkabuhayan para sa mga Manileño.

Sa kanyang bagong tungkulin, inaasahang lalo pang palalakasin ni Atienza ang boses ng kababaihan at isusulong ang pantay na oportunidad para sa lahat. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here