Home METRO Mail-order bride na diskarte, nabuking sa NAIA

Mail-order bride na diskarte, nabuking sa NAIA

129
0

MANILA, Philippines – Isang 21-anyos na Pinay na hinihinalang biktima ng mail-order bride scheme ang nasabat ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa ulat ng BI, napigilan ang babae noong Marso 10 sa NAIA Terminal 3 bago pa siya makasakay ng flight ng Cebu Pacific patungong Guangzhou, China.

Sa interogasyon, iginiit ng babae na mag-aaral umano siya ng Chinese language at naka-enroll daw sa isang vocational engineering school sa Guangdongngunit naghinala agad ang mga opisyal ang kakaibang kwento dahil hindi tugma ang kanyang mga dokumento at pahayag.

Sa bandang huli, umamin din ang biktima at wala itong enrollment at ang tunay niyang pakay ay isang kasalang inayos ng isang ahente sa hindi pa nakikilalang lalaki kung saan may pangakong ₱50,000 kapalit ng kasal.

“Lumalabas dito na ginagamit na ngayon ng mga trafficker ang pekeng pag-aaral sa abroad bilang panakip sa kanilang ilegal na gawain,” pahayag ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.

Dagdag pa ng opisyal, nakaalerto ang kanilang mga tauhan sa lahat ng paliparan laban sa ganitong klase ng panlilinlang na naglalagay sa panganib ng mga Pilipino.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ang babae at ini-turnover sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa mas malalim na imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here