Home HOME BANNER STORY Piso kontra Dolyar, bumulusok

Piso kontra Dolyar, bumulusok

161
0

MANILA, Philippines – Bumagsak sa pinakamababang antas ang piso nitong Huwebes ng umaga at lumagpas sa 60 kada dolyar dahil sa pag-iingat ng mga mamumuhunan kaugnay ng tensyon sa Middle East at mas lumakas na US dollar.

Nagbukas ang piso sa 59.9 at bumaba pa hanggang 60.4 sa loob ng araw, ang pinakamahina nitong naitalang halaga.

Lumakas ang dolyar dahil sa “flight to safety,” lalo na matapos panatilihin ng US Federal Reserve ang interest rates habang tinaasan ang forecast sa inflation at nagbabala ng “uncertain” na outlook dahil sa giyera sa Iran.

Noong Enero, sinabi ni Pangulong Marcos na ayaw niyang humina ang piso hanggang 60 kada dolyar.

Habang nagpapatuloy ang sigalot sa Middle East, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mino-monitor nito ang epekto ng sitwasyon sa inflation at ekonomiya bago ang susunod nitong policy meeting sa Abril 23. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here