Home NATIONWIDE Gatchalian, itinalagang chairman ng ad hoc panel vs Middle East crisis

Gatchalian, itinalagang chairman ng ad hoc panel vs Middle East crisis

229
0

MANILA, Philippines – Itinalaga ng Senado si Senador Sherwin”Win” Gatchalian bilang chairman ng Senate ad hoc committee upang bantayan ang posibleng epekto ng oil crisis sa Gitnang Silangan partikular ang binuong national contingency plan.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on finance, na kailangan ang agarang paglikha ng isang malinaw at  komprehensibong contingency plan upang protektahan ang bansa laban sa mapaminsalang pang-ekonomiya na dulot ng sigalot sa Gitnang Silangan.

Sa pagtupad ng constitutional oversight nito, aktibong tutugunan ng Senate ad-hoc committee ang mga pangunahing hamon ng bansa: ang kaligtasan at seguridad ng ating overseas workers, kabilang ang mga seafarer; ang mabilis na pagtaas ng presyo ng langis at pagkagambala sa suplay nito; ang banta ng matinding inflation; ang naantalang sistema ng transportasyon; at ang pangkalahatang kahinaan ng lokal na ekonomiya.

“Nais nating mapagaan ang mabigat na dinadala ng ating mga kababayan. Tinatanggap natin ang hamon ng komiteng ito sa gitna ng mahalagang panahong ito, at nakatuon tayo sa pagtiyak na ang lahat ng tulong at mga hakbang sa mitigasyon ay hindi lamang magiging sapat kundi tuloy-tuloy,” ani Gatchalian matapos aprubahan ng Senado ang Resolution No. 350, na nananawagan para sa pagbuo ng naturang komite.

Pinangalanang Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT), layon ng komite na ipatupad ang isang whole-of-government approach upang matiyak ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga stakeholder, magkakatugmang prayoridad, at epektibong pagpapatupad. Inaasahang magpapasa ang komite ng ulat sa Senado na naglalaman ng mga obserbasyon at rekomendasyon nito, at magbibigay rin ng kopya sa Punong Ehekutibo para sa nararapat na aksyon. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here