Home METRO Punong Barangay utas, sa pamamaril sa Nueva Ecija

Punong Barangay utas, sa pamamaril sa Nueva Ecija

136
0

NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang punong barangay, habang sugatan ang kanyang kamag-anak, sa isang insidente ng pamamaril ng mga suspek sakay ng motorsiklo sa Barangay Kabulihan, Gen. Mamerto Natividad, Nueva Ecija noong Martes.

Kinilala ang napatay na biktima na si Arthur Bautista, 40-anyos, punong barangay ng Kabulihan, at ang sugatang kamag-anak nito na si Conrado Villena, 56-anyos.

Ayon sa pulisya, parehong tinamaan ng bala ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang insidente ay naganap malapit sa covered court ng barangay, ilang metro lamang ang layo mula sa bahay ni Villena.

Dinala ang mga biktima sa ospital, ngunit idineklara nang patay si Bautista pagdating sa hospital. Samantala, ang sugatang si Villena ay nasa “stable condition” habang binibigyan ng medikal na atensiyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here