BATAAN, Philippines – Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang eskuwelahan sa Mariveles, Bataan para inspeksyunin ang pagpapatupad ng learning continuity efforts at nagpapatuloy na medical mission para sa mga mag-aaral at guro.
Sa kanyang naging pagbisita sa Mariveles National High School–Cabcaben Annex (Alasasin), tsinek ni Pangulong Marcos ang bagong prefabricated classrooms na itinayo upang matiyak na hindi magagambala ang pag-aaral ng mga estudyante.
“It’s a better design at mabilis ang production,” ang sinabi ni Pangulong Marcos matapos inspeksyunin ang mga slid-aralan, ipinagmalaki na ang pasilidad ay matibay para sa lindol at bagyo.
Matatandaang, buwan ng Pebrero nang ianunsyo ni Pangulong Marcos ang alokasyon na P9.6 billion para sa konstruksyon ng 4,000 silid-aralan sa buong bansa para tugunan ang classroom backlog.
Inobserbahan din ng Pangulo ang paggamit ng Xepto Learning Management System (XLMS), isang digital platform na dinisenyo para suportahan ang blended learning at paghusayin ang access sa educational resources.
Pinangunahan ng Pangulo ang pag-turnover ng learning tablets na provided ng provincial government of Bataan sa students, binigyang diin ang pagsisikap na palakasin ang digital learning sa public schools.
Gayundin, ininspeksyon din ni Pangulong Marcos ang nagpapatuloy na YAKAP (Yaman ng Kalusugan) at Kalinga medical mission, nagbibigay ng libreng health services sa mga estudyante at mga guro, kabilang na ang check-ups, konsultasyon at pamamahagi ng medisina.
Ang inisyatiba ay bahagi ng pinalawak na programa ng gobyerno para pagsamahin ang health at education services, tiyakin na ang mga estudyante ay physically fit at nakahandang matuto.
Nangako naman si Pangulong Marcos na magpapatuloy ang medical services sa mga eskuwelahan.
Sa sidelines ng event, sinabi ni Pangulong Marcos na ang energy-saving measures ay ipinatupad din sa educational institutions sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Ang hakbang ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na bawaan ang energy consumption ng 10% at hikayatin ang paggamit ng solar power para tapyasan ang halaga. (KRIS JOSE)