Home NATIONWIDE 3 weather systems, magpapaulan sa bansa

3 weather systems, magpapaulan sa bansa

130
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang tatlong umiiral na tatlong weather system ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.

Sa kanilang 4 a.m. bulletin, sinabi rin ng weather bureau na wala silang binabantayang low pressure area na posibleng maging bagyo.

Sa Batanes, Ilocos Norte, Apayao, at Cagayan, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na may panaka-nakang mahinang ulan dulot ng Northeast Monsoon o amihan.

Samantala, makararanas ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, at Visayas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog bunsod ng easterlies.

Sa Mindanao naman, inaasahang magdudulot ang localized thunderstorms ng katulad na kondisyon ng panahon na may kalat-kalat na pag-ulan.

Pinag-iingat ang mga residente sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa tuwing may malalakas na thunderstorm. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here