Home METRO QCPD, handa sa imbestigasyon sa viral video ng naarestong suspek sa robbery...

QCPD, handa sa imbestigasyon sa viral video ng naarestong suspek sa robbery hold-up

144
0

MANILA, Philippines – Handa ang Quezon City Police District na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng viral video ng isang naarestong robbery hold-up suspect na umano’y nag-uugnay sa ilang pulis sa kanyang mga krimen.

Ayon sa QCPD, “misleading and unfounded” ang naturang video ng suspek na naaresto noong Marso 15, 2026 sa Maynila, at iginiit na sumusunod sila sa tamang proseso ng Philippine National Police.

Sinabi ng QCPD na sangkot ang suspek sa isang hold-up sa Quezon City noong Pebrero 2025, kung saan tinutukan ng baril ang biktima at ninakaw ang kanyang mga gamit.

Naaresto umano ang suspek sa Maynila sa pamamagitan ng hot-pursuit operation at nakumpiskahan ng baril na maayos na naidokumento. Kinasuhan siya ng paglabag sa Republic Act No. 10591 sa tanggapan ng piskal sa Maynila.

Lumalabas din sa imbestigasyon na may mga nauna pang kaso ang suspek, kabilang ang robbery at paglabag sa Motorcycle Crime Prevention Act noong Pebrero 2025, pati mga insidente ng robbery noong Abril, Agosto, at Oktubre 2025.

Ayon sa QCPD, rerepasuhin nila ang kaso at kung mapatunayang may pagkakamali ang sinumang pulis, magsasampa sila ng kaukulang kasong kriminal at administratibo.

“The QCPD does not tolerate any police conduct that violates legal protocols. Individuals with complaints regarding police operations are encouraged to file them through proper channels for appropriate investigation,” pahayag nila.

Dagdag pa ng QCPD, nananatili silang committed sa transparency, accountability, at kaligtasan ng komunidad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here