Home HOME BANNER STORY Presyo ng pagkain, ‘di muna tataas — PBBM

Presyo ng pagkain, ‘di muna tataas — PBBM

183
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagkasundo ang mga food processors at retailers na huwag muna magtaas ng presyo ng kanilang produkto sa loob ng isa hanggang dalawang buwan upang mabawasan ang epekto ng sigalot sa Middle East.

Matapos ang inspeksyon sa Century Pacific Food Inc. sa Calamba, sinabi ng Pangulo na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa.

“Not only Century, but various food processors and retailers as well — we have adequate stock,” aniya.

“And aside from that, they have agreed to keep prices steady — for now, they won’t increase them as long as they can. So perhaps for about a month, and for some maybe up to two months, prices will remain unchanged,” dagdag niya.

Patuloy ring mino-monitor ng pamahalaan ang presyo ng pagkain upang matiyak na natutugunan ang pangangailangan ng publiko.

Nauna ring sinabi ng Pangulo matapos ang inspeksyon sa Agora Market sa San Juan na walang problema sa suplay ng pagkain at nakikipagtulungan ang mga tindero upang mapanatiling normal ang presyo.

Dagdag niya, sinusunod ang price caps ng Department of Trade and Industry at kumpiyansa ang Department of Agriculture na sapat ang suplay.

Binigyang-diin din ni Marcos na hindi kailangang mag-hoard at huwag samantalahin ang sitwasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here