Home NATIONWIDE 4 arestado sa ilegal pagbebenta ng gasolina sa Albay

4 arestado sa ilegal pagbebenta ng gasolina sa Albay

138
0

ALBAY, Philippines – Arestado ang apat na indibidwal sa Guinobatan, Albay dahil sa umano’y hindi awtorisadong pagbebenta ng gasolina, ayon sa Philippine National Police.

Sa isang entrapment operation sa Barangay Maipon, Guinobatan, inaresto ang mga suspek na may alyas na “Karl,” “Malyn,” “Nel,” at “Meo.” Ayon sa awtoridad, nagbebenta sila ng gasolina nang walang wastong pahintulot, labag sa Batas Pambansa Blg. 33.

Nakuha sa operasyon ang tatlong portable micro fuel dispensers, isang fuel tank, sales invoices, at marked buy-bust money, na may tinatayang kabuuang halaga na P2.32 milyon.

Ayon kay PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr., bahagi ito ng patuloy na kampanya laban sa mga iligal na aktibidad na maaaring makaapekto sa suplay ng fuel at magdulot ng panganib sa publiko.

“Hindi po namin papayagan ang sinumang magsasamantala o magdulot ng panganib sa mamamayan,” aniya.

Pinayuhan ng PNP ang lahat ng nagbebenta ng gasolina na sumunod sa umiiral na regulasyon at hinihikayat ang publiko na i-report sa awtoridad ang anumang kahina-hinalang iligal na aktibidad sa fuel. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here