Home NATIONWIDE Nationwide Judiciary Fun Run, isasagawa ng SC sa Marso 22

Nationwide Judiciary Fun Run, isasagawa ng SC sa Marso 22

176
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ang Supreme Court ng kauna-unahang Nationwide Judiciary Fun Run sa Linggo, Marso 22, bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-125 na anibersaryo nito sa Hunyo 11.

Tinatayang 7,000 opisyal at personnel mula sa lahat ng judicial regions ang lalahok sa fun run na magsisimula ng alas-4 ng umaga. Sa National Capital Judicial Region, magsisimula ang takbuhan sa SC courtyard sa Ermita, Manila, patungo sa Roxas Boulevard. Pangungunahan nina Chief Justice Alexander G. Gesmundo at mga justices ng SC, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at mga trial court judges ang kaganapan sa Manila.

Ang event ay inorganisa ng SC Sports Committee na pinamumunuan ni Raul B. Villanueva, at may technical working group na pinamumunuan ni lawyer Judy Ann C. Lazo-Beluso ng Office of the SC Clerk of Court En Banc.

Iba’t ibang judicial regions sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay magkakaroon din ng kani-kanilang fun run sa San Fernando City (La Union), Tuguegarao City (Cagayan), Clark (Pampanga), Cavite, Puerto Princesa City (Palawan), Naga City (Camarines Sur), Iloilo City, Cebu City, Palo (Leyte), Zamboanga City, Bukidnon, Davao, at Iligan.

May apat na kategorya ng karera: 10KM, 5KM, 3KM, at 1.25KM, bilang simbolo ng ika-125 anibersaryo ng SC. Magsisimula ang event sa stretching at Zumba session, susundan ng safety at route briefing at roll call ng mga judicial regions. Ang awarding ceremonies ay nakatakdang ganapin ng 7:30 a.m.

Bilang suporta sa SC “No Single-Use Plastic” policy, pinapayuhan ang mga kalahok na magdala ng sariling water container o tumbler. Magkakaroon ng water refilling stations sa ruta at sa SC, at hindi pinapayagan ang disposable water bottles.

Tema ng fun run ngayong taon: “SPJI: In Full Speed”, na tumutukoy sa Strategic Plan for Judicial Innovations 2022–2027, limang taong blueprint ng hudikatura para sa institutional at modernization reforms. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here