MANILA, Philippines – Naaresto ang isang 39-anyos na motorcycle reseller sa Barangay South Signal, Taguig dahil sa umano’y bentahan ng shabu, ayon sa Taguig police.
Kinilala ang suspek sa alyas na Nozaily.
Isinagawa ang buy-bust operation ng Taguig Police Station Drug Enforcement Unit sa Tanyag Street, Barangay South Signal, kung saan gumamit ang pulis ng undercover officer bilang poseur buyer.
Narekober mula sa suspek ang tatlong plastic sachets ng shabu na may kabuuang bigat na 53.4 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P363,120, kasama rin ang P500 bilang buy-bust money at 10 pirasong P1,000 na boodle money.
Pinaghahandaan ng pulisya ang kriminal na reklamo laban sa suspek para sa paglabag sa Republic Act 9165 na isusumite sa Taguig City Prosecutor’s Office. RNT/MND