MANILA, Philippines – Magpapatupad ang Philippine National Police ng mas mahigpit na seguridad sa buong bansa habang naghahanda ang mga Muslim Filipino sa selebrasyon ng Eid’l Fitr sa Marso 21.
Ayon sa PNP, maglalagay sila ng police units sa mga pangunahing lugar upang bantayan ang mga mosque, prayer venues, at komunidad ng Muslim.
“Our priority is the safety of all Filipino citizens. We will deploy police units in key areas, coordinate with local leaders, and ensure peace during Eid prayers,” ani PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr..
Dahil kadalasang ginaganap sa malalaking mosque o open areas ang congregational prayers, binigyang-diin ng PNP ang kahalagahan ng traffic at crowd management. Magkakaroon ng quick response teams at medical units na naka-standby upang agarang tumugon sa anumang insidente.
Sa selebrasyon ng Eid’l Fitr, karaniwang nagtitipon ang mga Muslim kasama ang pamilya at kaibigan para sa dasal at kasiyahan, kabilang ang pagbibigay ng Zakat al-Fitr para sa mga kapus-palad. RNT/MND