Home METRO Bypass road sa Mabalacat, Pampanga binuksan na!

Bypass road sa Mabalacat, Pampanga binuksan na!

155
0

PAMPANGA, Philippines – Matapos ang anim na taon ng pagkaantala, opisyal nang binuksan sa mga motorista ang 60-meter bypass road na nagkokonekta sa Mabalacat City, Pampanga diretso sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Sta. Ines exit ngayong Biyernes.

Pinangunahan ni DPWH Secretary Vince Dizon ang inaugurasyon kasama ang lokal at probinsyal na opisyal.

Ayon kay Dizon, “Hindi tayo nandito para mag-celebrate o maging masaya. In fact, dapat nga mag-sorry tayo sa mga kababayan natin na ganito katagal hindi natapos ‘to e.” Idinagdag niya na ang proyekto ay makakatulong sa pagbawas ng trapiko sa MacArthur Highway at sa Mabalacat city proper, at magbibigay alternatibong ruta patungong hilagang Luzon tulad ng Baguio City.

Ani Dizon, ang pagkaantala ay sanhi ng hindi pagkakaunawaan sa disenyo at kakulangan sa koordinasyon ng nakaraang DPWH, LGU, at NLEX.

Pahayag naman ni Pampanga Gov. Lilia Pineda, “Kung binigyan lang kami ng pagkakataon na i-negotiate ang right-of-way, hindi tumagal nang ganito. Kaya lang ano e, closed ang communication sa LGU.”

Inaasahan niyang magiging mas maayos ang pagpapatupad ng mga susunod na proyekto kung mabibigyan ng pagkakataon ang lokal na pamahalaan na mamonitor mula sa simula. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here