Home HOME BANNER STORY P47M drainage project sa Roxas Blvd., pinaiigting kontra baha – DPWH

P47M drainage project sa Roxas Blvd., pinaiigting kontra baha – DPWH

1
0

MANILA, Philippines – Pinaiigting ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang flood control efforts nito sa Maynila sa pamamagitan ng pagpapalawak ng drainage system sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Sinuri ni DPWH Secretary Vince Dizon nitong Lunes ang isinasagawang drainage improvement project sa Roxas Boulevard Service Road na layong mapabuti ang daloy ng tubig at mabawasan ang paulit-ulit na pagbaha sa lugar.

Tinatayang P47 milyon ang proyekto at target itong matapos bago matapos ang 2026. Palalakihin ang drainage at gagamitan ng malalaking High-Density Polyethylene (HDPE) pipes upang mas mabilis na mailabas ang tubig at mabawasan ang posibilidad na mabara ng basura.

Ikokonekta ang malalaking tubo sa limang pumping station at catch basin sa Roxas Boulevard upang makatulong na maiwasan ang pagbaha sa ilang bahagi ng Maynila at mga kalapit na lugar.

Bahagi ito ng mas malawak na plano ng DPWH na tugunan ang mga paulit-ulit na problema sa drainage sa Metro Manila. Noong Agosto, iniutos ni Dizon ang pagre-redesign at pagpapalawak ng mga drainage inlet sa mga pangunahing kalsada, kabilang ang Roxas Boulevard, EDSA, C-5, Taft Avenue, España Boulevard, Quezon Avenue at Commonwealth.

Nauna na ring isinagawa ng DPWH ang drainage rehabilitation sa Bonifacio Drive na inaasahang makatutulong sa pagbawas ng pagbaha sa Bonifacio Drive-Roxas Boulevard area. RNT/MDS/larawan kuha ni Eric Ocapan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here