Home ENTERTAINMENT Kyline, naging bad influence daw sa ex!

Kyline, naging bad influence daw sa ex!

171
0

Manila, Philippines – Hanggang ngayon ay minumulto pa rin ng nakaraan si Kyline Alcantara.

May mga netizens kasi sa socmed ang nagsabing raw naging magandang ehemplo si Kyline sa kanyang ex boyfriend na si Kobe Paras.

Ito ang iniisyu ng ilan who refuse to see something good about the Kapuso actress in Kobe’s life before.

Unang-una na raw rito ang pagtalikod ni Kobe sa basketball.

Kung good influence nga naman daw si Kyline, siya pa raw sana ang unang-unang magtutulak kay Kobe na balikan ito kesa puwersahing samahan siya nito palagi.

Agad namang may nag-dispute o kumontra sa impression ng mga bashers.

Ang hindi raw alam ng mga ito, nag-usap pala noon nang masinsinan ang dalawa with Kyline encouraging Kobe to go back to playing basketball.

Ang hindi rin alam ng mga haters ni Kyline, ang aktres din daw ang dahilan kung bakit Kobe was sporting a short hair.

Sa madaling salita, hindi totoong naging Bl o bad influence si Kyline kay Kobe.

Move on na mga bashers. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here