Home METRO Isabela, isinailalim sa state of calamity sa matinding tagtuyot

Isabela, isinailalim sa state of calamity sa matinding tagtuyot

140
0

ISABELA, Philippines – Isinailaim ng probinsya ng Isabela sa state of calamity ang Ilagan dahil sa matinding epekto ng matagal na tagtuyot.

Inaprubahan ito ng Sangguniang Panlalawigan sa Resolution No. 2026-A-02, Series of 2026, sa 7th Special Session sa Provincial Capitol noong Martes, Marso 10.

Ayon sa resolution na isinulat ni Board Member Evyn Jay C. Diaz, naapektuhan ang produksyon ng mais, lalo na sa kritikal na yugto ng paglaki. Sinabi ng Provincial Agriculture Office na halos 49,468 hektarya ng mais ang naapektuhan, may tinatayang 80 porsiyentong pagbagsak sa ani at humigit-kumulang P2.3 bilyon na pinsala.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), maaaring lumala pa ang sitwasyon kung hindi agad aaksyunan.

Hinimok ni Gov. Rodito Albano ang agarang pagpasa ng panukalang Corn Tariffication Law sa Kongreso upang matulungan ang mga magsasaka, lalo na sa panahon ng matinding tagtuyot. Nangako rin ang pamahalaang panlalawigan ng tulong tulad ng libreng binhi at pataba.

Ani Albano, “May ilang magsasaka ng mais ang napilitang ibenta ang ani bilang silage matapos hindi umabot sa tamang hinog ang kanilang mais, kaya mababa ang kalidad ng mga butil.” Idinagdag niya na ang silage, bilang pagkain sa hayop tulad ng baka at kalabaw, ay mas mababa ang halaga kumpara sa hinog na mais.

Dahil dito, hindi nakabawi ang mga magsasaka sa gastos sa produksyon kaya humihingi sila ng suporta sa gobyerno sa pamamagitan ng libreng farm inputs. Nakikipag-ugnayan din ang gobernador sa Department of Agriculture para sa pamamahagi ng libreng binhi at iba pang tulong agrikultural. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here